Kahapon ay linimot mo
Pati an iyong masamang bisyo
Laking pasalamt ng magulang mo
Ikaw nga ay tuluyang nagbago
Natagpuan ang sarili
Galaw ng isip mo matuwid na
Patuloy ang takbo ng araw
At ikaw ay natutong umibig
Hindi naglaot at ipinasya mong lumagay ka na sa tahimik
Pagkabinata mo’y natapos na
Malapit ka nang maging ama
Kaya lalong nagsikap ng husto
Dumating ang iyong hinihintay
Sinilang ang panganay mo
Parang langit ang iyong nadama
Ngayon, anak, alam mo na
Kung ano ang pakiramdan ng maging isang ama
Ganyan din ang nadarama ng iyong ama’t ina
Nang ikaw ay Makita
Ngayon iyong naramdaman
Ngayon iyong naranasan
Ngayon iyong naiintindihan
Tama pala ang iyong ina
Tama pala ang iyong ama
Ngayon hindi ka na magtataka
Hindi pala birong maging magulang, oh, ngayon iyong dinaranas
Hindi pala birong maging magulang, oh, ngayon iyong dinaranas